Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu

Paano Gumawa Ng Sarili Mong Blog/Website

Ang unang ituturo sa iyo ng PBB ay kung paano ka gagawa ng sarili mong blog o website. Huwag kang mag-alala dahil madali lang ito.

Ano ang kailangan para isang epektibong blog?

Ang kailangan para sa isang epektibong blog ay isang tamang ideya o paksa. Dito iikot ang lahat ng magiging post o laman ng iyong blog.




Bakit napakahalaga ng paksa para sa iyong blog?

Napakahalaga nito dahil ito ang hahatak ng viewers sa iyong blog. Ang dami ng viewers ang susi upang kumita ang website mo. Ang isang specific na topic ay magdadala ng specific na viewers galing sa search engines tulad ng Google, Social Medias at iba pa.

Halimbawa, ang blog mo ay tungkol sa mga TV Series o Movies, makakahatak ng viewers na mahilig manood. Kung tungkol naman ito Business Opportunities, mga naghahanap ng pagkakakitaan ang magviview nito.

Kung nakaisip ka na ng topic mo, simulan na natin.

Sundan lang ang mga hakbang na ito:

1. Mag log-in sa iyong Google account.

2. Pumunta sa BLOGGER at mag sign-in gamit ang Google account mo.
Ang Blogger ay isang platform kung saan pwede kang gumawa ng libreng website gamit ang iyong Google account.

3. Kapag nakalog-in ka na sa Blogger, i-click ang Create New Blog.

4. I-enter ang pangalan at web address na gustong ilagay sa blog mo. Pumili din ng theme na gusto mo. (Nirerekomenda ko ang "Simple" Theme para sa mga magsisimula palang).
Pindutin ang "Create blog!"


5. Ngayon ay nakagawa ka na ng blog. Ganun lang kadali. Maaari ka nang mag-post, ayusin ang layout at themes ng website mo. Explore mo lang ang Blogger, madali lang ito matutunan.



Kung paano ka kikita sa pamamagitan ng iyong blog, tatalakayin yan sa ibang mga topic dito sa Pinoy Blog Basics.


If there is any problem, broken links, or any concerns, you can contact me using the details below.

Contact no. : 09087718427
Email: nitoriurogue@gmail.com

Thank you for visiting Pinoy Blog Basics!